NAGDIWANG ng kanyang ika-22nd birthday noong December 4, si Ruru Madrid at may appreciation post ito sa lahat ng mga nakatulong sa kanyang career. May kahabaan ang post, pero magandang basahin, kaya tapusin ninyo.

Ruru

“Ako’y lubusang nagpapasalamat sa ama at isang buong taon na naman ang ibinigay nya sa akin, isang buong taon nya akong iningatan. Ako’y nagpapasalamat din sa lahat ng mga biyaya’t pagpapala na patuloy nyang ibinibigay sa akin. Salamat din sa mga taong tumutulong sa akin para makamit ko ang mga pangarap ko, mula sa mga mahal ko sa buhay, sa management ko at higit sa lahat sa mga taong sumusuporta sa akin. Kayo ang nagbibigay inspirasyon sa akin sa araw-araw.

Napakarami ring bagay at mga pagsubok sa akin ang dumaan sa loob ng isang taon. Masasabi ko na iyon ang pinaka mahirap na taon sa buhay ko. Maraming beses na ako muntik sumuko pero kinaya ko dahil sa tulong ng diyos at sa tulong ng mga taong nagmamahal sa akin.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Napakarami ko rin natutunan sa taon na nakalipas. At masasabi ko na kahit na anong problema ang dumating sa akin malalampasan ko ito.

Ngayon ako’y 22 anyos na, ako’y nakahanda sa lahat ng mga bagay na darating sa buhay ko, at walang makakapigil sa akin para makamit ko lahat ng pinapangarap ko.

Salamat ng marami sa inyong lahat, mahal na mahal ko kayo.”

Na-curious lang ang supporters ni Ruru sa sinabi niyang may mga pagsubok na dumating sa kanya this year, kaya ang 2019 ang kinu-consider niyang pinakamahirap na taon sa buhay niya.

Ano kayang pangyayari ‘yun na sobrang nahirapan ang aktor at muntik magpasuko sa kanya? Kinaya lang niya lahat sa tulong ng Diyos at ng mga taong nagmamahal sa kanya.

-Nitz Miralles