SASARGO na rin ang national billiards team sa paglarga ng 2019 Southeast Asian Games billiards and snooker ngayong araw sa Manila Hotel Tent.
Unang sasalang sina dating World 9-Ball champion Carlo Biado at Johann Chua sa men’s 9-ball pool doubles sa alas-10 ng umaga.
Aarangkada rin ang men’s snooker doubles, men’s 1-cushion carom at women’s 10-ball pool singles.
Masisilayan si legendary cue master Efren “Bata” Reyes sa men’s 1-cushion carom kung saan nais nitong makakuha ng unang gintong medalya sa individual event sa SEA Games.
Nagkasya lamang sa tanso si Reyes noong 2011 sa Palembang, Indonesia, 2013 sa Naypryitaw, Myanmar at 2015 sa Singapore.
Magbabalik sa kalendaryo ang 10-ball event na huling nilaro noong since the 2013 Myanmar Games.
Sabak din sa koponan sina Basil Hasan Al Shajjar, Rubilen Amit, Floriza Andal, Alvin Barbero, Chezka Centeno, Francisco Dela Cruz, Benjamin Guevarra Jr., Jeffrey Ignacio, Michael Angelo Mengorio, Dennis Orcollo, Iris Rañola, Jeffrey Roda at Luis Saberdo.
Pakay ng national billiards team na malampasan ang dalawang ginto, isang pilak at dalawang tanso nito noong 2017 edisyon sa Kuala Lumpur, Malaysia.