Sa post sa Twitter at Instagram ni phenomenal star Maine Mendoza, may caption itong @mainedcm On point (e)! Meet Carol this December on Daig Kayo Ng Lola Ko!

Maine

Para ito sa coming guesting niya sa fantasy drama na Daig Kayo ng Lola Ko para sa final episode this December.

Isa ngang ballerina ang role ni Maine sa untitled pang December presentation ng serye na dinidirek ni Rico Gutierrez. Tamang-tama naman ang role dahil marunong talagang mag-ballet si Maine na pinag-aralan niya noong bata-bata pa siya. Hindi na siya nahirapang mag-aral ng tamang steps ng isang ballet dancer.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Thankful si Maine sa “Daig Kayo Ng Lola Ko,” dahil sa unang tatlong beses na niyang paggi-guest sa fantasy drama, iba-iba ang character niyang ginagampanan. Nauna ang “Laura Tsismosa” na mahilig siyang gumawa ng kuwento kahit mali, kaya nilagyan ng zipper ang kanyang bibig ng fairy. Iyong isa naman niyang character ay si Laura rin na may pagka-tomboy na tricycle driver at kaya-kaya niyang lumaban sa mga lalaking nambu-bully sa kanya. Ang pangatlo ay napunta siya sa magical world na kasama niya si Baeby Baste, at iba-iba ang naging leading man niya sa monthly episode, isa rito ang Korean actor na si Alexander Lee.

Ngayon bilang isang ballerina, ayaw pang ikuwento sa amin kung ano ang talagang character niya at muli niyang makakasama si Baeby Baste. Magsisimula itong mapanood sa December 8 at every Sunday of December, pagkatapos ng Amazing Earth sa GMA7.

-NORA V. CALDERON