SA wakas mapapanood na si Lovi Poe sa ABS-CBN via iWant kasama si Zanjoe Marudo na kinunan sa Basillicata, Italy muna sa direksyon ni Connie Macatuno.

zanjoe n lovi

Base sa litratong pinost ng Dreamscape Entertainment and Digital head na si Deo Endrinal sa kanyang Instagram account na magkasama sina Lovi at Zanjo, “Zanjoe Marudo & Lovi Poe, now shooting in Matera, Basilicata, Italy, directed by Connie Macatuno. @dreamscapeph @iwantofficial.”

Tandang-tanda namin na noon pa gusto ni sir Deo si Lovi dahil bukod sa nagagandahan at nagagalingan siya sa aktres ay gusto niya ang kulay nitong kayumanggi. Oo nga dahil karamihan nga naman sa aktres sa ABS-CBN ay pawang mga tisay.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Pero dahil ekslusibo ang kontrata ni Lovi GMA 7 kaya hindi makuha ang serbisyo ng dalaga.

Pero nitong kasagsagan ng promo ng pelikulang The Annulment ay nakapag-guest ang aktres sa Magandang Buhay kaya ibig bang sabihin ay hindi na siya exclusive contract sa GMA o baka may options lang. Sa pagkakatanda namin ay nabanggit ni Lovi na okay ang trato sa kanya ng Kapuso network kaya walang dahilan para lisanin niya ito.

Anyway, hindi naman direct competitor ang iWant sa GMA dahil online naman ito kaya siguro pinayagan si Lovi na gumawa ng digital movie kasama si Zanjoe.

Base naman sa mga nabasa naming komento sa IG post ni sir Deo ay gusto nilang lumipat na ang aktres sa Kapamilya network.

-Reggee Bonoan