Dear Manay Gina,
Ako ay 1st year college student mula sa Camarines Sur. Ewan ko kung naniniwala kayo sa kasabihang “The more you hate, the more you love,” pero ito ay nagkatotoo sa aking buhay.
Nagkaroon ako ng manliligaw na medyo presko. Hindi ko siya gusto noong una, pero sa kakukulit niya, napansin ko na lamang na nahulog ang loob ko sa kanya.
Minsan, ako at ang aking kaibigan ay inimbita ng mga kaklase naming lalaki na pumunta sa bahay ng taong ito. Nagkakasayahan kami nang niyaya niya ako sa kanyang kuwarto dahil may sasabihin daw siyang sikreto. Ganoon na lamang ang shock ko, nang bigla niya akong halikan. Pero natauhan ako nang simulan niyang hawakan ang maseselang parte ng aking katawan.
Lumabas po agad ako, pero laking dismaya ko nang makitang naroon sa kanilang sala ang kanyang mgamagulang. Nabasa ko sa kanilang mata na tila “easy girl” ang tingin nila sa akin.
Hanggang ngayon ay walang nakakaalam sa pangyayari. Friendly pa rin ako sa lalaking iyon para hindi mahalata ng aming mga kaklase ang nangyari sa amin. Ang problema ko ay ang kanyang mga magulang. Tuwing nakakasalubong ko sila ay nanliliit ako. Alam kong mababa ang naging tingin nila sa akin dahil sa nangyari.
Ano kaya ang gagawin ko para mabago ang kanilang impresyon, at mabawi ang aking nawalang dangal?
Faith
Camarines Sur
Dear Faith,
Ang una mong pagkakamali ay ang pagsama sa lalaking iyon sa kanyang silid. Ano ang intensiyon ng isang lalaki kapag inimbita ang isang babae sa sariling kuwarto? Sampu sa sampung beses, tiyak na ito’y isang bagay na hindi niya puwedeng gawin sa harap ng iba.
Masuwerte ka dahil nagkaroon ka ng lakas ng loob at presence of mind parapigilan siya sa ginawa.
Ikaw lamang ang talagang nakakaalam sa tunay na naganap sa kuwartong iyon. At iyon ang pinakamahalaga.
Hindi ka nawalan ng dangal. Sa halip, nakagawaka ng tamang desisyon sa harap ng isang maling sitwasyon.
Perhaps you lost a little dignity in his parents’ eyes. Pero bukod doon ay wala nang naging damage sa ‘iyo. Itaas mo ang iyong noo at ipagpatuloy ang paggawa ng tama. Wala kang dapat ikahiya.
And next time, maging mas maingat ka na sana.
Nagmamahal,
Manay Gina
“We are valued in this world at the rate we desire to be
valued.” --Jean De La Bruyere
Ipadala ang tanongsa [email protected]
-Gina de Venecia