SA pelikulang Unbreakable ay madiing inamin ni Joao Constancia na wala na talaga sila ng girlfriend niyang si Sue Ramirez ilang buwan na ang nakararaan. Marami kasi ang hindi naniniwala kasi nga in speaking terms pa rin sila at magkaibigan as in walang nabago maliban sa commitment.

joao

Tumagal din ng dalawang taon ang masasayang pagsasama nina Sue at Joao kaya marami ang nagtaka kung bakit nauwi sa hiwalayan ang dalawa considering na sinusuportahan nila ang isa’t isa sa kanilang trabao.

Mahinang sabi ni Joao, “Ah, wala na po talaga. It’s been a couple of months na. Hindi naman po. We wouldn’t use that as an excuse or gimik.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nag-effort naman daw si Joao na magkabalikan sila ni Sue.

“I tried, we tried to fix things again, patch things together. Pero she wants to focus on herself muna, her career.

“I guess, sometimes, you have to let people go to grow by themselves, you know. It’s just part of who we are, I guess. We just need time for ourselves muna, to focus on ourselves muna po.

“Pero hopefully, hopefully, things will work out again in the future. I’m praying. So, I wanna also give her the space that she wants.”

Ang daming pagsubok na dinadaanan ngayon ni Joao sa karera niya dahil bukod sa nawalan na siya ng kasintahan ay balitang disbanded na ang grupo niyang Boyband PH dahil umalis na si Russel Reyes na mas piniling mag-aral sa Chicago, Illinois.

Pero nang makausap namin ang nagma-manage sa Boyband PH ay nabanggit na babalik naman si Russell pagkatapos nitong mag-aral.

Pero matinding pinabulaanan ni Joao na disbanded na ang boyband nila.

“Ay! Hindi naman po! Wala naman pong break sa amin sa BoybandPH! To be honest, the situation with us right now is there’s no disbandment. We’re still together. I guess, we’re just given the opportunity to go solo, explore our career paths here in showbiz,” maagap na sabi ng singer/actor.

Concentrated ngayon si Joao sa acting career niya kaysa sa singing.

“Opo! Ako naman po, iyon po naman talaga ang gusto ko, e. So I guess, the management, and even the boys know, and they support me with my dreams,” pag-amin ng binata.

Okay naman sa ibang miyembro ng Boyband PH na nagso-solo siya sa acting career niya dahil suportado siya.

“Masaya rin po sila sa akin. Kasi, alam naman po nila, matagal na po na gusto kong mag-acting talaga. So, they’re very supportive talaga.

“Whenever they see me, whenever I have new projects coming up, they’re very happy for me. They’re very supportive po,” pagsisiguro ni Joao.

Nagpapasalamat si Joao dahil napasama siya sa pelikulang Unbreakable dahil ang huhusay ng mga bida tulad nina Bea Alonzo, Angelica Panganiban at Richard Gutierrez.

-REGGEE BONOAN