KUNG pagkakaroon ng concert ang batayan ng kasikatan. Masasabing Katrina Velarde has arrived. Sa pangalawang pagkakataon she returns to New Frontier Theater para sa part 2 ng SiKat i2 sa Nobyembre 29, 2019.

Kat

Looking back, laman ng various amateur contest ang tondo girl since she was six years old. Basta’t may fiesta gaano man kalayo ay sinasalihan niya. Hindi naging hadlang ang kahirapan maitaguyod ang pamilya at maabot ang pangarap.

Tulong na malaki? Ang pangangalaga ng former manager Angeli Pangilinan-Valenciano sa mabilis ng pag-usad ng kanyang singing career. Under the management si Kat ng Viva Live na producer na nalalapit na concert.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Main attraction sa Music Hall sa Metrowalk Ortigas si Katrina at kapag may panahon binabalik-balikan para magperform.

Ang pagkakaroon ng sariling bahay ay natupad na rin ni Kat. Nakalipat na siya sa bagong condo unit.

Ipinapalabas sa MYX Music Channel ang music video ng Magkaibang Mundo na tiyak na aawitin niya sa concert.

Samantala sina Michael Pangilinan at Bugoy Drilon ang mga special guests niya.

-REMY UMEREZ