Saback-to-back presscon ng Gold Squad love teams na sina Francine Diaz/Kyle Echarri at Andrea Brillantes/ Seth Fedelin para sa iWant movie nilang Silly Red Shoes at Wild Little Love respectively ay nagkaaminan ng kanilang mga nararamdaman sa isa’t isa.

KYLE N FRANCINE - reggee

Katulad ni Kyle na ibinuko si Francine na kahit gusto na nito ang isang tao ay hindi nito sinasabi.

“Marunong po talagang magtago ng feelings si Chin (tawag sa dalagita) ng emosyon sa tao (habang nakatingin sa kanya ang batang aktres). Kahit gusto niya ‘yung tao, hindi niya ipapakita ‘yun,” pambubuking ni Kyle sa kanyang kapareha sa digital movie at sa teleseryeng Kadenang Ginto.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Sa madaling salita, ramdam ni Kyle na gusto siya ni Francine at hindi lang nito inaamin.

“Hindi ko naman po sinasabi ‘yun. May nalaman po ako na kinikilig po siya pag magkikita po kami (sanay ngiti ng binatilyo) kasi masasabi ko po talagang nilo-look forward ko ‘yung pagkikita namin.

“Like maraming beses po na may taping kami tapos ako nasa kabilang unit, ite-text ko po siya na kailangan ka lilipat, kailangan ka pupunta sa set.

“I’ve just really felt close to her now, sobrang naging close po kami, parang hindi ko lang siya ka-love team, para siyang pamilya, bestfriend, she’s everything in one to me,” pagtatapat ng batang aktor.

Tinanong ulit si Kyle kung girlfriend na niya si Francine, “ay hindi ko po sinasabi ‘yun, ha, ha, ha, wala, wala,” tumatawang sabi ng binatilyo habang natatawa naman ang dalagita.

Ayon naman sa direktor ng Silly Red Shoes na si James Mayo ay 100% kilig sila sa set.

“Lahat po kami kinikilig sa set, umabot pa nga sa 10.5%,”sambit ng direktor.

Samantala, ikaw ba ay Team Silly o Team Wild? Iboto na ang pelikulang una mong gustong mapanood sa espesyal na poll sa official Facebook page ng Dreamscape Entertainment (facebook.com/DreamscapePH) simula Nobyembre 13 (Miyerkules), 8 PM hanggang Nobyembre 22 (Biyernes), 10 PM.

Panoorin ang inaaabangang mga pelikula ng The Gold Squad sa iWant app (iOs at Android) o sa iwant.ph simula Nobyembre 23 at 27. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, sundan ang follow @iwant sa Twitter at @iwantofficial at @dreamscapedigital sa Instagram, o mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantPH.

-Reggee Bonoan