KUNG meron isang bagay na pinagkakaabalahan ang ageless beauty na si Alice Dixson, ito ay walang iba kundi ang kanyang fundraising project ALICE DIXSON CELEBRITY SUPER BOWL.

Alice

It is now on its third year at gaganapin sa SM Megamall sa Dec 8. Ang malilikom ay mapupunta sa Kalipay Foundation of Bacolod, isang bahay ampunan para sa mga batang inabuso, abandoned at biktima ng human trafficking. Kung gusto ninyong sumali. Register at [email protected]. Nakakalungkot man ay hindi naging happy ending ang buhay may asawa para kay Alice na despite her age ay looking glamorous pa rin.

Naniniwala pa ba siya sa kasal?

Karina Bautista, PH navy reservist na

“Oo naman pero sa tamang panahon and with the right person, sa ngayon marriage is no longer my priority, acting is fine lalo na’t kung naiiba ang role tulad ng karakter ko bilang Elaisa in NUUK, in ways more than one ay nakaka-relate ako sa kanya.” Ang NUUK ay reunion movie nina Aga Muhlach at Alice after 30 years.

-REMY UMEREZ