MALAKI ang utang na loob ni Kim Domingo sa long-running gag show na Bubble Gang kaya hindi raw niya ipagpapalit ito sa ibang shows na ginagawa niya.

Kim

“Priority ko po talaga ang “Bubble Gang,” dahil simula nang makasama ako rito, maraming doors ang nabuksan sa akin,” sabi ni Kim sa mediacon para sa coming 24th anniversary presentation nila. “Kaya kapag may tinanggap po akong show, ipinauuna ko na sa kanila na hindi ako pwede ng Mondays, dahil every Monday ang taping namin ng “Bubble Gang.”

“Thankful din ako sa “Bubble..” dahil kahit paseksi ako sa unang pasok ko rito, na wala akong restrictions sa damit na isinusuot ko, ngayon ay pumapayag na silang tame na ng konti ang mga isinusuot ko sa show. Pero nandoon pa rin ang paseksi-look ko. Doon po kasi ako unang nakilala ng audience namin.”

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Hindi rin nalilimutan ni Kim ang mga blessings na natanggap niya after niyang pumasok sa show, four years ago, bukod sa “Bubble...” ilang teleserye na rin ang nagawa niya at iyong mga dreams niya para sa sarili at family niya, isa-isa nang natutupad. At hindi rin niya malilimutan ang magandang samahan nila sa “Bubble Gang” na para silang magkakapatid na sa show.

Directed by Bert de Leon at Rico Gutierrez, ang The ScAvengers two-part anniversary presentation ay mapapanood sa November 15 and 22, after ng One of the Baes.

-NORA V. CALDERON