KABUUANG siyam na Filipino-foreign players ang nagsumite ng kanilang aplikasyon para sa 2019 PBA Rookie Draft na idaraos sa Disyembre 8.
Nangunguna sa listahan ng mga Fil-foreign players na gustong makapaglaro sa PBA ay sina Roosevelt Adams at dating Adamson standout Sean Manganti.
Ang 6-foot-6 na si Adams ay naglaro para sa Mighty Sports Philippines sa ilang mga torneo sa labas ng bansa at sa koponan ng Go for Gold sa katatapos na season ng PBA D-League.
Nakilala naman bilang isang athletic forward sa UAAP, si Manganti ay naglaro din sa D-League sa koponan ng Akari-Adamson noong nakaraang taon at sa Che’lu Bar and Grill ngayong 2019.
Kasama din nilang nag-apply at matunog ang pangalan sa hanay ng mga draft aspirants ay si Franky Johnson na naglaro din sa D League sa Gamboa Coffee Mix, Marinerong Pilipino-TIP, at AMA Online Education kamakailan.
Bukod sa naunang tatlong nabanggit, nagsumite rin ng aplikasyon nila sa draft sina dating Ateneo Blue Eagles Vince Tolentino at Adrian Wong at National University one-and-done player Troy Rike gayundin sina dating University of Perpetual Help player Daryl Singontiko, Fil-am guard Jason Riley at 37-anyos na sentrong si Mark Taylor. Marivic Awitan