MAY special participation si Aubrey Miles sa Halloween Special presentation ng Reality Entertainment, ang Santigwar na dinirek ni Joven Tan.

Aubrey & family

Ang Santigwar ay Bicolano word for faith healer or arbularyo. Si Alexa Ilacad ang gaganap ni Dan Fernandez na isang Santigwar, na lumalaban sa mga evil spirits, pero may lahi rin siyang aswang.

Gagampanan ni Aubrey ang role ng isang aswang na naghahanap lagi ng mga iaalay sa mga aswang. At ang barkada ng anak niyang si Pam Gonzales, sina Marlo Mortel, Marco Gallo, Paolo Angeles at Khean Johnson, ang niyaya nitong pumunta sa malayong lugar nila.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

“Hindi nila alam sila ang magiging alay sa mga aswang, kaya kinain ko muna sila,” nagtatawang wika ni Aubrey sa mediacon ng movie. “Ganoon lamang ang gusto ko, iyong mga sandal lamang ang role ko. Kahit sa TV, madalas guest role lamang ako kapag kinuha ako sa teleserye, or mag-guest lamang sa mga shows, GMA man o sa ABS-CBN.”

Back to her normal weight na si Aubrey, ngayong 10 months old na ang baby girl nila ni Troy Montero, si Rocket, after niyang i-breast feed ito for seven months.

“May mina-manage kasi akong dalawang pawnshops sa Makati Shopping center, Isinasama ko roon ang baby ko, and doing good naman ang pawnshops. Kung dati ay mga alahas lamang ang isinasangla nila sa amin, ngayon, kahit mga gadgets, may nagsasangla na rin.

“Kumakarera na rin ako, kami ni Troy, member kami ng Toyota team, nakakasama namin sina Daniel Matsunaga, Gretchen Ho at iba pang celebrities. Insured kami ng Toyota per race na samahan namin.”

Seventeen years na palang nagsasama sina Aubrey at Troy at may balak pa rin daw naman silang magpakasal, pero hindi pa ngayon. Tatlo na ang anak nila, 18 years old na si Maurie ang first born niya, pero ayaw nitong mag-artista, 11 years old naman si Hunter, ang first child nila ni Troy na nag-aaral sa La Salle Greenhills at si Rocket, 10 months old.

Walang manager si Aubrey, kung may kukuha sa kanya para sa work, directly siyang kinakausap, ganoon din naman daw si Troy, direct din ang pagkausap kay Troy kung may offer na work sa kanya.

Paano nila napapanatili ang magandang relasyon, na walang naririnig na issue sa kanilang pagsasama?

“We don’t fight. Kung may hindi kami pinagkakasunduan, inaayos namin agad, hindi namin pinatatagal. Pag may nag-cheat sa aming dalawa, hiwalay agad, wala nang usapan,” dagdag pa ni Aubrey.

Ang “Santigwar” ay opening na in cinemas tomorrow, Wednesday, October 30. It’s a very creepy movie na bagay sa mga mahihilig manood ng mga horror movies lalo na ngayong Halloween.

-NORA V. CALDERON