GOING world-class ang business unit na nagpoprodyus ng mga reality show ng ABS-CBN.

Billy, Nadine, Boy Abunda at Luis.jpg

Bumuo ng bago at original na talent-reality show na Your Moment ang ABS-CBN in cooperation with Fritz Productions ng The Netherlands na sikat sa international networks sa unscripted formats.

Ito ang unang pagsabak ng ABS-CBN sa development at franchising ng original talent reality format. Bukas sila sa international adaptations ng Your Moment.

Pelikula

PANOORIN: Official teaser ng 'Isang Himala,' inilabas na!

Nakatakda ang premiere airing sa November 9, complete entertainment experience ang mapapanood sa 2-in-1 reality show, sa production unit na pinamumunuan ni Ryle Santiago. Singing performers at dance acts mula sa Pilipinas at maging sa iba’t ibang bansa ang concentration ng Your Moment at mag-uuwi ng tig-2 million pesos ang dalawang grand champion.

Hosts sina Vhong Navarro at Luis Manzano samantalang uupo naman bilang judges sina Billy Crawford, Nadine Lustre, at Boy Abunda.

“This signals the bold steps we are taking in growing our footprint in the international scene,” ulat na pahayag ni Macie Imperial, ABSCBN Integrated Program Acquisitions and International Sales & Distribution VP and Division Head sa harap ng industry leaders nang ilunsad ang Your Moment sa MIPCOM sa Cannes, France nitong October 15.

“ABS-CBN has, through the past 65 years, carved a solid name in producing top-rating shows that expanded our audience across regions and has led us to grow from the Philippines’ leading broadcasting company into the multimedia giant that it is today.”

Mayroong apat na level ang show na hahantong sa “Your Grand Moment” o grand finals. Una ang “Your First Moment,” na bibigyan ng dalawang minuto ang performers para mapabilib ang judges. Magsisimula ang bawat performance sa black and white at pagkaraan ng 20 seconds ay saka lang magiging full color.

Tatlong acts mula sa singing at dancing category ang itatampok bawat episode.

Sa second level ng competition, pipili ang highest ranking acts ng gusto nilang makatunggali sa three-way showdown. Sa third level bibigyan ng pagkakataon ang top performers para pumili ng gusto nilang maging mentor.

Magaganap sa second at third level ang “beat the winner” elimination process. Sa grand finale, tatlong top acts per category ang magbabakbakan sa series of rounds bago tanghalin ang grand winner.

Mapapanood ang makapigil-hiningang performances mula sa state-of-the-art revolving immersive set sa Soundstage, sa Del Monte, Bulacan.

“This is not for the faint-hearted. Competition is tough,” pahayag ni Boy Abunda sa grand media launch ng kanilang show. “We don’t sacrifice our judging because we need to project that we’re in agreement with each other,” aniya pa.

“It’s a very fulfilling moment especially not for anything pero medyo malayo ang biyahe namin (papunta sa studio), napupuyat kami,” sabi naman ni Luis.

“So, once in a while we feel the fatigue, nando’n ‘yong pagod. Pero to see how everyone works so hard to produce this one show, na we can say to the whole world that this is our show, come and get it.

Iba ang fulfillment to be a part of this amazing program.

-DINDO M. BALARES