HETO na naman ang favorite bashers ni Arjo Atayde, ginagawan na naman siya ng kuwento na dadalo siya sa premiere night ng pelikulang Isa Pa with Feelings bukas nang gabi sa SM Megamall para samahan ang girlfriend niyang si Maine Mendoza para mapansin.

JUAN CARLOS ATAYDE

Kahit pa siguro inimbita ni Maine si Arjo ay hindi dadalo ang aktor dahil unang-una alam niya ang salitang respeto at ibinibigay niya iyon kay Carlo Aquino bilang leading man ng dalaga.

Paulit-ulit na namin itong nasusulat na pagdating sa trabaho ay kanya-kanyang buhay sina Arjo at Maine at hindi nila pinakikialaman ang isa’t isa at kahit magkasama sila ay hindi nila pinag-uusapan ang trabaho kaya iyon ang sekreto ng maganda nilang pagsasama at kaya never silang nagkaroon ng gusot.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

At dahil pareho silang busy kaya bihira magkita ang dalawa at kapag may libreng oras ay nag-out of the country sila para malubos ang bonding moment nila.

Pati ang nanahimik na nanay ng aktor na si Sylvia Sanchez ay tina-tag pa ng bashers na kaya pupunta si Arjo para mapansin. Nakakatawa itong mga gumagawa ng kuwento, puro naman sablay.

Hanggang ngayon pa ba ay hindi pa rin matanggap na sina Arjo at Maine na? Kahit na ang dalaga na mismo ang umamin sa panayam niya sa Tonight with Boy Abunda. Move on na kayo, huy!

Anyway, kahit hindi dumalo si Arjo sa premiere night ng Isa Pa with Feelings na palabas na sa Miyerkules, Oktubre 16 ay suportado niya sina Maine at kaibigan niyang si Carlo.

Abala naman ang aktor sa taping ng Bagman 2 na kung tama ang narinig namin ay eere na ito sa Nobyembre sa iWant.

-Reggee Bonoan