IPINAGTANGGOL ni Robin Padilla sina Phillip Salvador, Moymoy Palaboy at Cesar Montano na binatikos dahil nakasama ni President Rodrigo Duterte sa Russian trip ng Presidente.

ROBIN

Address sa bashers, politicians at kapwa mga artista ang video ni Robin na sinagot ang pambabatikos sa tatlo. Hinamon nitong maglabasan ng bank accounts para makitang pera ng tatlo at pera nila ang kanilang ginastos sa Russia.

“May pera kami, hindi kami humihingi ng pera, sarili naming pera ang ginagastos namin. Namamasahe kami, sa hotel kami ang nagbabayad. Hindi kami nagpapalibre sa pagkain, gumagastos kami at hindi kami sumasama sa mga opisyal lakad ni Presidente. Masama bang humanga sa Presidente at tumulong sa kanya? Sa halip na magpasalamat dahil ini-entertain namin ang mga kababayan nating Pilipino sa ibang bansa, binabanatan n’yo pa,” pahayag ni Robin.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Sa video ni Robin, hinamon din niya ang mga bumabatikos kina Phillip, Cesar, Moymoy at iba pang celebrities na sumasama kay Presidente Duterte na maglabas kung magkan ang ibinabayad nila sa tax.

Nilinaw rin ni Robin na wala ni isang politiko silang hinihingian ng pera para ngang walang masabi at kung may natatanggap man silang pera, ang nagbibigay ay mamamayan na naniniwala sa ginagawa nilang mag-entertain sa mga Pinoy OFW.

Naaliw kami sa inamin ni Robin na na-stress siya sa pambabatikos sa kanyang mga kaibigan na walang basehan at inulit ang sinabing “may pera kami. Mukha ba kaming walang mga pera?”

-NITZ MIRALLES