Isa sa probable MMFF entry this December ay ang pelikulang Culion mula sa panulat ni Ricky Lee. Ang cast ay binubuo nina Iza Calzado, Jasmine Curtis Smith at Joem Bascon.
Ang teaser ng makabuluhang pelikula ay ipinasilip noong Sept 30 and guess kung sino ang lumabas in a guesting role? Walang iba kundi si John Lloyd Cruz.
Is John Lloyd testing the waters to find out ang magiging feedback ng moviegoers? Or indication na gusto na niyang mag-come back. Sabi nga, “Once an actor always an actor.”
Two years nang inactive ang magaling na actor na huling napanuod sa Finally Found Someone opposite Sarah Geronimo. He fell in love. Nagkaroon ng anak at namuhay nang tahimik sa Cebu.
Lately ay napabalitang hiwalay na diumano sina John Lloyd at Ellen Adarna. Nasa New York si John Lloyd kasama ang ina to visit his brother na naka-base sa America.
Tiyak na mabibitin lang ang mga fans sa special participation ng aktor sa Culion. A full length role ang inaasahan nilang gagawing hakbang ni John Lloyd.
-REMY UMEREZ