Since umamin na si Piolo Pascual na posible niyang balikan ang ex-girlfriend niyang si KC Concepcion ay aaminin na namin na ang aktor ang tinutukoy namin sa blind item namin noon dito sa Balita na sikat na aktor gustong balikan ang dating nakarelasyon na aktres din.

Piolo at KC

Nakuha namin kasi ang balitang iyon sa common friend namin ng aktor na kung mayroon daw siyang gustong balikan at makasama sa habambuhay ay walang iba kundi ang ex-girlfriend niyang aktres. At ito rin ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nananatiling single si Piolo.

Sa ginanap na Sun PIOLOGY Xone presscon para sa Sun Life Virtual Run, Sun LIfe Cycle Ph, at Sun Life Resolution Run kamakailan ay natanong ang aktor tungkol kay KC kung posibleng magkabalikan sila ngayong wala na sila ng French boyfriend niyang si Pierre Emmanuel Plassart.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Posible,” masayang sagot ni Papa P dahil nga, “Single rin po ako. Hahaha!”

At hindi nga malayong mangyari dahil okay na sila ni Maria Kristina Cassandra.

“We’re good. KC and I, we’re good. I’ve not seen her for a while and I hope she’s always okay. I don’t necessarily stalk her on IG, but I see what happens, of course, based doon sa mga lumalabas. So, I (alam na hiwalay na) you know, I’m happy for her,” pag-amin ng aktor.

Oo nga hindi nga ini-stalk ni Piolo ang IG account ni KC pero bukas ang tenga niya kung anong update sa rating kasintahan, ang cute di ba.

Kailan kaya namin makikita si KC para siya naman ang hingan ng komento tungkol kay Piolo.

Teka, inalok na ba ni Papa P ang dating kasintahan ng Sun Life Insurance?

-Reggee Bonoan