BINAWIAN ng  Emilio Aguinaldo College ang University of Perpetual, 80-76, para sa una nilang back-to-back win kahapon sa NCAA Season 95 Men's Basketball Tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Nagposte si Jethro Mendoza ng kanyang career-high 22 puntos, 3 rebounds, 2 assists, at isang steal upang pamunuan ang Generals sa pagbalikwas mula sa 14 na puntos na pagkakaiwan sa first half na bumuhay sa kanilang tsansa sa Final Four race.

Dahil sa panalo, umangat ang EAC sa markang 3-11,habang bumaba naman ang Altas sa ikalimang sunod na pagkatalo sa 3-10 na marka.

"Actually, I told them the reason why we won against Baste is we stuck on our game plan. We cannot win by talent and skill. We have to stay with the team concept," ani coach Oliver Bunyi.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Nag-init si Mendoza sa payoff period, kung saan siya nagsalansan ng 13 puntos at pinamunuan ang itinalang 16-4 run ng  Generals na nagresulta sa  75-69 na bentahe may 2:23 na lamang na nalalabi sa laro.

Namuno naman si Tonton Peralta sa natalong Altas sa ipinoste niyang 21 puntos, 3 rebounds, at 2 assists. Marivic Awitan

Iskor:

EAC (80) - Mendoza 22, Gurtiza 13, Maguliano 11, Luciano 9, Taywan 7, Martin 7, De Guzman 6, Gonzales 4, Boffa 1, Cadua 0, Corilla 0, Dayrit 0, Carlos 0, Estacio 0

PERPETUAL (76) - Peralta 21, Charcos 14, Aurin 12, Razon 11, Adamos 8, Giussani 5, Cuevas 3, Martel 2, Labarda 0, Tamayo 0

QUARTER SCORES: 13-24, 35-39, 54-55, 80-76