NAKATAKDANG lumusob at manlupig ng mga mandirigmang Chinese sa Maynila at iyan at di na mapipigilan.
Ngunit, hindi mga Pilipino ang misyon nilang lupigin kundi mga pambatong guerrero mula Asia at Europa.
Sa darating na Oktubre 23,ipaparada ng Wu Lin Feng Fighting Championship ang mga pambatong Chinese Mixed Martial Artists (wushu- Sanda -Kickboxing) na tatampukan ng klasikong bakbakan nina defending titlist Fu Gao Feng ng China kontra challenger Philipp Engeroff mula Germany para sa 79 kg main event na sisipa sa The Cove Manila sa Okada, ayon kay co-promoter Meynard Marianas ng Pilipinas.
Sa press conference na idinaos kahapon sa Cove,kumpiyansa ang tanyag na MMA titlist partikular sa kanyang kababayang. masugid na tagahanga, na maidedepensa nito ang titulo kontra kalabang German dahil matagal niyang pinaghandaan ang laban at kabisado niya ang estilo ng Europeans.
"I'm confident,on October 23 fight night,I'm still the Wu Lin Feng champion," tiwalang pahayag ng Chinese world champ na tinaguriang 'Cold Face Assasin'.
Bukod Kay Gaofeng, siyam pang mandirigma sa lona mula China ang makikihamok sa mga best of the best kickboxers mula France,Greece,Sweden,Norway,Iran,Thailand,t Russia at iba pa.
Ang naturang kaganapan na pinapanood ng nilyun-milyong MMA enthusiasts sa China, Asia at iba pang kontinente sa mundo.