Dear Manay Gina,

Bale isang taon na kami ng aking boyfriend. Ang problema ko lang, marami siyang sikreto sa akin.

Hindi ko alam kung saan talaga siya nakatira at maliban sa sinabi niyang may anak na siya at biyudo, wala na akong alam tungkol sa kanya. Pati ang mga kaibigan niya ay hindi alam ang ibang personal na bahagi ng kanyang buhay. Siya ay isang medical representative at nagkikita kami, apat na beses sa isang buwan. Gusto ko lang kasing magkaroon ng peace of mind.

Violy

Dear Violy,

Hindi kaya pinagtatakpan lang siya ng kanyang mga kaibigan? Anyway, madali mong matutuklasan ang kanyang pagkatao kapag sinikap mo na maging open siya sa ‘yo. Sabihin mo na mahalagang malaman mo ang kanyang tunay na pagkatao dahil mahal mo siya at nais mong masiguro na karapat-dapat siya sa iyong pagtitiwala.

Puwede ka ring makipag-ugnayan sa kanyang pinagtatrabahuhan o kaya’y kumuha ng private investigator para malaman ang estado niya sa buhay. Pero bago mo gawin ‘yan, tanungin mo muna ang iyong sarili kung liligaya ka sa piling ng isang lalaking maraming lihim at mahirap pagtiwalaan. Pakatandaan mo, na ang tao ay nagiging masikreto lamang kapag may mga bagay na dapat itago.

Nagmamahal,

Manay Gina

“It is what we think we know already that often prevents us from learning.”----- Claude Bernard

Ipadala ang tanong sa [email protected]

-Gina de Venecia