MATIRA ang matibay sa duwelo ng Centro Escolar University at BRT Sumisip Basilan-St. Clare sa Game Three ng 2019 PBA D-League Foundation Cup ngayong hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Ganap na 3:30 ng hapon magsasagupa ang Scorpions at ang Saints sa deciding Game Three ng kanilang semifinal series kung saan ang magwawagi ay makakatunggali ng Marinerong Pilipino sa best-of-three finals.

Ito ang ikalawang pagkakataon na umabot sa do-or-die ang match ang semifinals series ng dalawang koponan kasunod ng tapatan nila noong nakaraang conference kung saan nagwagi ang Scorpions na tumapos na runner -up.

Ang kaibahan lang, sa pagkakataong ito ang Scorpions ang nakapuwersa ng rubber match sa pamamagitan ng 83-68 panalo sa Game 2 nitong Lunes.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“After the loss in Game One, I told them I want to see the heart we had last conference and that’s what we showed,” ani CEU coach Derrick Pumaren. “We just gotta carry it again on Thursday.”

“We’re happy we were able to survive, but we haven’t won anything yet, we haven’t proven anything yet. It is far from over,” dagdag ni Pumaren na muling sasandig kina Malick Diouf at Rich Guinitaran uoang pamunuan ang Scorpions.

Tatangkain naman ng BRT Sumisip-St. Clare na di na maulit ang nangyari noong nakaraang conference.

“Gustong gusto nilang makabawi sa CEU. Alam naman nila na yun ang challenge para sa kanila,” pahayag ni Saints coach Stevenson Tiu na aasa naman kina Junjie Hallare, Joshua Fontanilla, at Mohammad Pare.

-Marivic Awitan

Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena)

Game Three of Best-of-3 Series

3:30 n.h. -- CEU vs BRT

Sumisip Basilan-St. Clare