TAMANG-TAMA sa mediacon ng One Of the Baes today ang isyu kina Ken Chan at Rita Daniela na inisnab ni Alex Gonzaga nang magkita sa airport ang ABS-CBN at GMA-7 stars na parehong pupunta sa Mindanao.

Alex

Ang nakarating kay Lolit, lumapit sina Ken at Rita kay Alex para magpakilala at sinabing fan sila ni Alex at ng vlog nito. Ang sabi, tumango lang si Alex sa dalawa. Kinagalitan pa ni Lolit sina Ken at Rita dahil hindi raw sila dapat umaktong fans sa kapwa nila celebrity.

Iba’t iba ang reaction ng mga nakabasa ng post ni Lolit sa Instagram (IG), may pumabor kay Lolit at sinabihang mayabang, plastic at entitled si Alex. May mga nagtanggol din kay Alex, nagulat lang daw siguro ito dahil hindi akalaing fan niya sina Ken at Rita o baka wala lang sa mood si Alex.

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

Obviously, nabasa ni Alex ang post ni Lolit at nag-comment ito sa IG mismo ni Lolit at ang sabi, “Ayyy nanay lolit, di po tayo magkakilala pero sino po source nyo mukhang mali ata kasi nagkamayan at nag hi pa po kami sa isa’t isa at lahat ng iba pang artists sa lounge. Niretweet ko pa si ken noon dahil nagchambe chamber sya. Lastly, salamat po sa mga salita nyo tungkol sakin ah, heartwarming.”

Nakakaloka lang dahil sa pagtatanggol kina Lolit at Alex, ang fans ni Alex at viewers ng ABS-CBN at fans nina Ken at Rita at Kapuso viewers ang nag-aaway-away.

Gaya nang nasulat namin, may mediacon today ang One of the Baes na bida sina Ken at Rita, malalaman natin ang tunay na nangyari sa pagkikita nila ni Alex. Sila ang makakapagsabi kung inisnab ba talaga sila ni Alex.

Anyway, sa September 30, pagkatapos ng The Gift ang world premiere ng One of the Baes sa direction ni King Marco Baco. Katatawanan ang hatid ng show lalo’t pinagsama-sama sina Roderick Paulate, Melanie Marquez at iba pang komedyante ng GMA-7.

-Nitz Miralles