DALAWANG linggo nang namatay ang karakter ni Arjo Atayde bilang si Elai sa teleseryeng The General’s Daughter pero hanggang ngayon ay trending topic pa rin sa social media ang pagkamatay niya.

Pinuri kasi ng Autism Society Philippines si Arjo, “Arjo Atayde’s portrayal of #autism is sensitive and nuanced. The character was well developed and avoided stereotypical caricatures. Bravo!”

Kaagad namang nagpasalamat ang aktor sa ASP, “I did not expect this! Maraming- maraming salamat po. It means a lot, it really does. Salamat po talaga.”

Sa ngayon ay abala ang aktor para sa part 2 ng Bagman digital series na mapapanood sa iWant sa Nobyembre.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

As of now ay ayaw pag-usapan ni Arjo ang tungkol sa kanila ni Maine Mendoza dahil may sarili rin itong pinagkakaabalahan at ayaw ng aktor na nakikisawsaw siya.

Hiwalay ang personal nilang buhay sa trabaho kaya walang nasusulat tungol sa kanila ngayon.

-Reggee Bonoan