NASA bansa ngayon ang Japanese actor Joe Nakamura para sa promotions ng pelikulang Athlete na release ng Viva international.

Kuwento ng pelikula ang naging epekto ng diborsiyo sa buhay ni Kohei na sa kalaunan ay nagkaroon ng relasyon sa kapwa lalaki.

Lumabas sa hit movies tulad ng Bond Of Justice at Manhunt si Joe at nakipag-collaborate sa mga production companies sa Singapore, Hong Kong at Taiwan. Kilalang pop singer si Joe sa Japan. Sa presscon ng Athlete ng showing sa September 25 ay nagpaunlak at inawit ni Joe ang tagalog song na Saan ka man naroroon.

First time para sa aktor ang gumanap na gay at bilang paghahanda ay pinanood niya ang acclaimed movie Brokeback Mountain.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Tiyak na maraming gays ang makaka-relate sa Athlete na kung saan umaani ng good reviews ang acting ni Joe Nakamura.

-REMY UMEREZ