HIYAWAN ang lahat ng taong nanood ng Braver concert ni Moira dela Torre nitong Sabado na ginanap sa Smart Araneta Coliseum, nang i-flash sa dalawang monitor ang mag-inang Kris at Bimby Aquino na nanonood at nakaupo sa VIP section.

kris

Kinanta ni Moira ang awiting tagalog na may kinalaman sa sandaling pagmamahal at inaalay raw niya iyon kay Kris kaya naman natawa ang mama ni Bimby at sabay kiss sa kanya ng anak.

Sa tuwing ipapakita sa sina Kris at Bimby ay napapahiyaw ang mga tao at naringgan namin ang mga katabi naming, “magaling na si Kris, blooming na. Nakakapanood na siya ng concert.”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Oo nga, back to her old self na si Kris na masayahin kaya ang ganda rin ng aura niya ngayon.

Tsinek namin ang IG account niya habang nasa concert kami at may kuha sila ni Bimby bago pumunta ng show.

Ang caption ni Kris sa litrato nilang mag-ina, “all in black, no turning back #teambonding (only 1 of my giants wanted to “chaperone” tonight, Kuya’s too excited for our trip on Sunday, it’s our last for the family before Bimb starts 7th grade) HAPPY WEEKEND to all.”

At mukhang nag-enjoy sina Kris at Bimby sa Braver concert dahil pawang millennials ang line of songs ni Moira kasama na rin ang mga guest niya.

Pero bago nanood ng concert ay dumalo ng hearing si Kris sa Quezon City Justice Hall ng Biyernes ng tanghali at nagkita na sila ng personal ni Atty. Jesus Falcis na kinasuhan niya ng cyber libel.

Si Atty. Jesus ay kapatid ni Nicko Falcis na dating business manager ni Kris na kinasuhan naman niya ng 44 counts of unqualified theft sa paggamit ng company credit card.

Samantala, pinagkaguluhan naman ang Queen of Social Media at malaya rin ang mga staff ng Justice Hall sa pakikipag-selfie sa kanya.

Base sa pinost na video ni Kris, “I made a promise, makikita n’yo lang po ‘yung mga ngiti ko, hindi ‘yung “effort” para maka ngiti akong muli. I prayed nonstop & I continue to pray that God may still open a road of compromise- one paved in justice, fairness, and a shared mutual desire to correct wrongs and heal pains, without further hurt.

“Opo, malaki ang nagbago sa ‘kin, napalitan na ang galit at sama ng loob ng mas malalim na pagkakilala sa totoong pagkatao ko at tamang pagpapahalaga sa kung ano at sino ang talagang importante sa buhay ko.“I’m not who I used to be. You say that everything changed. You’re right, we’re grown now.”

As of this writing, 3:34AM ay umabot naman sa 176K ang likes at 503 magkahalong komento ng bashers at nagtatanggol kay Kris.

Anyway, marami mang bashers si Kris ay mas marami ang nagmamahal sa kanya base na rin sa reaksyon ng mga taong nakakita sa kanya sa Justice Hall at sa loob ng Smart Araneta Coliseum.

-REGGEE BONOAOAN