ISA sana si Aiko Melendez sa mga hurado sa ginanap na Miss World Philippines 2019 kagabi sa Araneta Coliseum pero hindi siya nakarating dahil nagkaroon siya ng complicated migraine na inakala niya ay na-stroke siya dahil namanhid ang kaliwang bahagi ng katawan niya na isa ito sa senyales.

aiko

Nitong Sabado nang gabi ay manonood sana ng pelikula ang mag-inang Aiko at Marthena Jickain pero hindi nangyari dahil sa hospital sila tumungo.

Base sa post ng aktres sa kanyang Facebook page kahapon ng tanghali, “I would like to send my apologies to the organizers of Ms World Pageant for I will not be able to make it later to judge.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

“Last night, I rushed myself to the hospital not being able to watch the show that I was supposed to see. Doctors put me on monitoring status as I experienced a numbness on my left body. They had to take all the necessary tests to rule out that I had a mild stroke. I had CT scan and ECG done. And findings is Complicated migraine.

“I have been suffering from severe migraine for years already. Dr Macalintal advised me that I’d be on maintenance medicine for migraine since mine is complicated migraine already.

“Just want to thank some people who never left my side. My daughter Marthena Jickain who fell asleep taking care of me. Sorry Mimi ‘di tayo naka-watch last night, I will make it up to you.

“Sis Agnes L. Mora my best friend who never left my side from the time they rushed me until now. Thank you. And to my partner VG Jay Khonghun who took good care of me and never left me until naka-sleep ako. I slept at 6:40am coz I was having a hard time with the numbness on my body.

“We only told Andre Yllana about my situation kanina coz we didn’t want him to worry! Praying for fast recovery! In Jesus name include me please in your prayers. Don’t worry I’m feeling a lot better guys! But a prayer wont hurt. And to all those who messaged me Thank you!!! God bless you all. To Jay’s family thank you sa concern.”

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay ka-chat namin si Aiko at nabanggit nga niya na sunud-sunod kasi ang pagpupuyat niya nitong mga huling araw.

Ang inaalala ng mama nina Andre at Marthena ay ang taping niya ngayong araw, Lunes at marami siyang eksenang kukunan at hindi pa siya pinalalabas ng doktor.

“Paano ang taping ko, kaloka,” sabi ng aktres.

Bawal nang magpuyat si Aiko, “hanggang 1AM ang cut-off ko ‘te Reg,”sabi sa amin.

Puwede pa naman ang 1AM huwag lang abutan sa pagsikat ng araw. Ito kasi ang isa sa dahilan ng matinding migraine.

“Binigyan ako ng maintenance good for one-month para check kung may progress ako,” sabi pa.

Isa pang dahilan kaya napupuyat ay hindi raw siya makatulog, “hirap ako kumuha ng tulog ‘te Reg.”

Pinayuhan naming maglaro ng Candy Crush si Aiko kapag hindi makatulog tulad ng ginagawa namin hanggang sa nakakatulugan na namin ito.

“Nakakatawa, candy crush, ha, ha, ha,” sagot ng aktres.

O, at least napatawa namin siya hindi na siya ninenerbyos dahil sa sakit niya.

Get well soon, Aiko mula sa pahayagang Balita.

-REGGEE BONOAN