MULING ginapi ng Jose Rizal University ang Emilio Aguinaldo College, 69-63, upang makabalik sa win column at patuloy na buhayin ang tsansang makahabol sa Final Four kahapon sa second round ng NCAA Season 95 Men’s Basketball Tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

KULATA! Tatlong player ng Mapua ang dumepensa laban sa pagtatangka ng player ng Letran sa isang tagpo ng kanilang laro sa NCAA men’s basketball tournament. (RIO DELUVIO)

KULATA! Tatlong player ng Mapua ang dumepensa laban sa pagtatangka ng player ng Letran sa isang tagpo ng kanilang laro sa NCAA men’s basketball tournament. (RIO DELUVIO)

Apat na Heavy Bombers, sa pangunguna ni Agem Miranda na may 16 puntos ang tumapos na may double digit upang maiangat ang koponan sa markang 4-7.

Ngunit, ang kanyang kakamping si Marwin Dionisio na tumapos na may 13 puntos at 16 na rebounds ang nagsilbing pamatay sunog sa bawat rally at paghahabol na ginawa ng Generals.

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

“Thankful kami at least nanalo na ulit. Pero this game, yung closing ng laro yung wala namin. We really lost bad sa last games namin with Mapua, Saint Benilde, and Letran,” pahayag ni JRU coach Louie Gonzalez matapos na muling manalo mula ng huli silang magwagi noon pang Agosto 1.

Mula sa siyam na puntos, makailang beses na tinapyas sa apat ng Generals ang bentahe ng Heavy Bombers sa fourth period.

Ngunit. laging may sagot si Dionisio para sa Heavy Bombers.

Nanguna naman sa nabigong Generals na bumaba sa markang 1- 10 si JP Maguliano na may 16 puntos.

-Marivic Awitan