MAGANDA ang palitan ng POV sa Instagram (IG) ni Vice Ganda kung saan, sinagot niya ang pahayag ni Senate President Vicente “Tito” Sotto na may kinalaman sa isinusulong na SOGIE bill.

VICE

Sabi ni Senate President: “If you are a man, you will never be a woman, no matter what you do, because you cannot reproduce. You cannot give birth, you do not have ovaries. You will never be a woman. So this, to me, the SOGIE bill is a bill against women’s rights.”

Sagot ni Vice Ganda: “Joke po ba ito Hon. Senate President Tito Sotto???? Sinasabi nyo po ba na naniniwala kayo na ang pagiging BABAE ay nasusukat lamang sa pagkakaroon ng obaryo o matris at sa kakayahan lang na mabuntis o magkaanak? E paano po yung mga nagkaroon ng matinding karamdaman at tinanggalan ng obaryo? Di ba po ba sila BABAE? Wala na ba silang karapatang tawaging BABAE? O bumaba na ba ang uri ng kanilang PAGKAKABABAE? Paano din po yung mga baog at walang kakayahang magkaanak? Ano po sila? Di na din sila BABAE? Mga wala na ba silang kwentang mga BABAE? At paano naman po yung mga BABAENG choice nila na wag mag-anak dahil ayaw nila dahil sa kanilang personal na rason? Di na din ba sila matatawag na BABAE? Paano din po yung mga BABAE na may obaryo pero pinayuhang wag magbuntis dahil sa medical na kondisyon at maaaring mameligro ang kanilang buhay? Di na din sila BABAE? Ano na po sila?

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Paano din po yung mga BABAENG may obaryo pero wala pang anak dahil ayaw

naman nilang magpatira kung kani kanino? Ano na sila? Parang ang baba naman po pala ng tingin nyo sa mga BABAE. Naniniwala po ako na ang mga BABAE ay BABAE di dahil sa obaryo at sa kakayahang bumukaka at umire. Sila ay BABAE dahil sila ay BABAE. AT MAY HALAGA sila may matris man o wala, magbuntis man o hindi, may anak man o wala dahil sila ay TAO at sila ay BABAE. Sinubukan ninyong maliitin ang konsepto ng pagiging TRANSGENDER sa paraang tinapakan nyo rin ang dignidad ng mga tinatawag nyong TOTOONG BABAE. Paumanhin po HON. SENATE PRESIDENT Sotto, Pero i believe this statement is just not fair. There are people who pretend to be FEMINIST to hide their being MISOGYNISTS.”

Natigil lang ang palitan ng kuru-kuro dahil dinisable ni Vice Ganda ang comment box sa post niyang ito. Pero noong open pa ang comment box, mababasang may pabor kay Vice at meron ding pabor kay Senate President Tito Sotto.

-NITS MIRALLES