SA pagtatapos ng Sahaya serye ngayong araw na ito ng Biyernes sa Kapuso primetime telebabad, nalulungkot man ay may kasama pa rin katuwaang nararamdaman ang lead star nito na si Bianca Umali.

BIANCA

“Grateful ako sa ibinigay na opportunity sa akin ni Sahaya. Marami akong natutunan sa buhay at na-in love ako sa kultura ng mga Badjaws.

“Kung minsan, the simpler things are the most memorable and treasured ones.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Sahaya is a milestone sa buhay ko. Binigay ko lahat lahat ng makakaya ko para sa kanya at hanggang sa pagtanda ko, maipagmamalaki ko siya because I am proud of her,” ang mahabang paglalahad ni Bianca tungkol nga sa role niya bilang si Sahaya.

Ganito rin ang naramdaman ng dalawa niyang leading man dito na sina Miguel Tanfelix at Migo Adecer. Very proud sila na nakasama sa naturang GMA Network’s well-loved epic drama series.

Much more, naging co-stars pa nila ang magagaling na artistang sina Snooky Serna, Zoren Legaspi, Lovely Rivero, Marissa Delgado, Ana Roces at Ashley Ortega sa ilalim ng direction ni Zig Dulay.

So don’t miss the finale episode ng Sahaya mamayang gabi pagkatapos ng 24 Oras na talaga namang kaabang-abang sa true lang.

-Mercy Lejarde