SA episode nitong Biyernes, Agosto 30, ng It’s Showtime, muntik nang ma-gong ang isa sa mga Tawag ng Tanghalan finalists na si Shantal Cuison. Mukhang hindi siya pasado sa punong hurado, na sir Louie Ocampo ang kaya’t nakapagtaas ito ng kamay. Save by the bell, na natapos din ni Shantal ang kanyang performance.

louie ocampo

Dahil sa nangyari, ‘di raw namalayan ng singer na nakapag-post ito sa Twitter ng sarcastic remark kay sir Louie.

Marami ang nag-react sa social media nang magkomento si Shantal ng “composer ka lang” patungkol sa punong hurado, na sir Louie. The following day, Sabado, nag-public apology si Shantal para sa kanyang offensive remark.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Pahayag ng singer,“Gusto ko pong mag-public apology kay sir Louie Ocampo. Thank you po kasi kahit ano po iyong nararamdaman ninyo [ay] hindi niyo pa rin ako gi-nong.”

Dagdag pa ni Shantal, nakadagdag daw ang “stress” at “pressure “ ng competition kung bakit niya ito nasabi sa kanyang Twitter.

Wala naman si sir Louie sa judging panel nitong Sabado nang mag-sorry si Shantal.

Maging ang host na si Vice Ganda, ay nagsabing na-offend siya kay Quizon, na bukod pa raw sa kanyang “composer ka lang” tweet, ay nagsabi pa ng “hustisya” matapos sabing hindi naging fair sa kanya ang show.

Pinaalalahanan naman ni Vice si Shantal na, “Huwag ninyo sanang maramdaman na dinadaya kayo ng show na ito at may isang hurado na mandadaya sa inyo at magbibigay ng injustice.”

Sa huli, hindi naka-advance sa grand finals si Shantal, after maungusan ng mga kapwa niya contenders na sina Julius Cawaling at Violeta Bayawa.

Ngayong Setyembre na nakatakdang ganapin ang grand finals ng Tawag ng Tanghalan.

-Ador V. Saluta