Dear Manay Gina,

Hindi ko malimutan ang tampo ko sa aking biyenan. Noong una kaming nagkaharap, malamig ang pagtanggap nila sa akin at parang hindi nila ako gusto.

Katunayan, bago kami ikasal, nagtangka pa ang aking biyenang lalaki na pigilin ang kanyang anak na ako’y pakasalan. Pero nang malaon, nagbago naman ang pakikitungo nila.

Ngayon ay may isa na kaming anak.

Balak ng aking biyenang babae na lumagi sa amin pansamantala dahil sa apo nya. Pero sa halip na matuwa dahil may makakasama ako, nakadarama ako ng yamot. Kaya kong itago ang aking pagka-inis, pero alam kong nararamdaman n’ya ito. Paano ko kaya lubusang malilimot ang tampo ko sa kanila? Pwede ko kaya itong ipagtapat sa kanila para mailabas sa aking dibdib?

Belencita

Dear Belencita,

Ang tinutukoy mo’y matagal nang nakalipas. Move on. Iba na ang mundo mo ngayon dahil nanay ka na. Hindi natin alam kung bakit hindi ka nila kursunada noong una. Pero sa ngayon, magiliw na kamo sila. Well, pwedeng na-realize nila ang pagkakamali kaya iwinasto na nila ang dating gawi, o kaya’y mga ismarte sila at alam nilang mas mainam na pakisamahan ka at tanggapin nang buong-puso, yaman din lamang at kapamilya ka na.

‘Wag mo nang balikan ang nakalipas. It belongs to the past. Sa halip, harapin mo, with a grateful heart ang kasalukuyan at ang mga darating pa.

Nagmamahal, Manay Gina

“We must accept life for what it actually is -- a challenge to our quality without which we should never know of what stuff we are made, or grow to our full stature.” ---- Ida R. Wylie

Ipadala ang tanong sa [email protected].

-Gina de Venecia