UNA si Julia Barretto, pangalawa ang ina ni Gerald Anderson na si Evangeline Opsima. Binira nila si Bea Alonzo na mukhang hindi yata nila masyadong kilala.

bea

Hindi naging latest queen of Philippine cinema si Bea nang patsamba lang. Lalong hindi lang ganda ang naging puhunan niya. Bukod sa likas na matalino, well read si Bea. Tiyak na natatandaan pa ng loyal readers namin na siya lang ang tinawag kong genius sa lahat ng ating young performers. Dahil totoo ito.

Hindi muna kinikilalang mabuti nina Julia at Ms. Opsima, kaya naa-underestimate nila.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Your heartbreak should have been a private matter, but you have selfishly turned it into something of national concern,” bahagi ng banat ni Julia kay Bea.

“Bea, you wanted to keep your hands clean by not mentioning me in your controversial post, but with a click of your finger, in your sly way, you have charged everybody to destroy me for you.

“You have encourage a culture of hate by purposely liking harmmess photos, putting malice into the minds of many, which resulted in the outrage of insults againt me.

“You are a woman of great influence and following. You could have used that power to promote strength and grace in women, but instead, you’ve used that to promote social media irresponsibility. That is downright bullying.

“You can play victim all you want, but I refuse to be your victim.”

Marami ang literal na nagpuyat sa paghihintay ng isasagot ni Bea, pero walang inilabas na pahayag ang kampo niya.

Resulta, bumalik lang sa bumira ang banat. Umani ng katakut-takot na negatibong reaksiyon si Julia.

Hindi rin nagpaapekto si Bea sa mga binitiwang salita ng ina ni Gerald tungkol sa naging relasyon niya sa binata.

“Alam mo, nag-a-argue kami ni Gerald laban sa ‘yo dahil ayaw nga kita para sa kanya,” sabi ni Mommy Evangeline sa panayam ng TV Patrol South Central Mindanao.

“Ngayon, ito na lang gawain mo sa kanya, ‘binabasura mo ang bata. Lagi mong pinapatamaan ang anak ko. Ga’no na ba kasama si Gerald?” sabi pa nito.

Gaya ng inaasahan ng mga nakakakilala sa personalidad ni Bea, hindi rin siya bumaba sa level ng argumento ni Ms. Opsima.

Parehong nag-viral ang banat kay Bea ni Julia at ng nanay ni Gerald, pero pareho ring sa kanila bumalik ito. Dinudumog sila ngayon ng negatibong komento.

Kaya ss halip na mabawasan, lalo pang dumarami ang mga humahanga kay Bea.

Sa paningin ng netizens, hindi lang magandang mukha o hitsura ni Bea ang class, kundi pati na rin ang urbanidad at personalidad niya.

-DINDO M. BALARES