WALA kaming nabasang negative reaction at wala rin kaming makitang naligaw na bashers sa ipinost na larawan nina Maja Salvador at Kim Chiu na magkasama sila sa New York. Parehong litrato ang ipinost ng dalawa at may nagre-request pang dagdagan pa nila ang pagpo-post ng pictures na magkasama sila.

Kim at Maja

Hindi emo ang caption ni Maja sa photos nila, kaya ang caption na lang ni Kim ang isinulat namin.

“Endless reminiscing with this one, remembering our kalokohan before… laugh here and there, stories this and that. From wedge, heels to white sneakers now! Some things never change! Still the same us! Congrats on #killerbride mamaya na! @majasalvador,” lahad ni Kim.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sumagot si Maja ng, “safe flight Kimmmmeeey! Next bonding si Stella and Barbara naman ulit.”

Ang ganda at positibo ang comments sa post gaya ng, “Happy for them. They found the real happiness they deserved.”

Pati nga si Kris Aquino ay nag-comment ng, “So happy to see the happiness.”

May curious na netizen na nag-comment kung ano raw kaya ang nararamdaman ni Gerald Anderson dahil magkaibigan ang ex niyang sina Maja at Kim at hindi malayong maging friends din nila si Bea Alonzo.

-NITZ MIRALLES