NAKATUON ang pansin kay Tenshi Biete sa pagsulong ng Open Kitchen Rapid Chess Tournament -- IM Joel Banawa Chess Cup -- sa Setyembre 1 sa Open Kitchen, Rockwell Business Center-Sheridan, Highwayhills, Greenfields District sa Mandaluyong City.

Ang format ay seven-round Swiss System na may time control 10 minutes plus ten seconds increment na isinagawa bilang pagbi-bigay pugay sa namayapang si IM Rolly Martinez na suportado nina Ms. China Aurelio at Ms. Mimi Casas ng Open Kitchen, Phoenix Chess Academy, Mr. Danilo Ebao ng Three Knights Printing Services, ChiliJuan, Mr. Arturo Turbanada, Mr. Jeffrey Dimalanta at ni Ms. Emz Forrosuelo ng Otsuka-Solar Philippines Inc. (Pocari Sweat).

Nakamit ng Grade 8 pupil sa De La Salle Santiago Zobel School ang Open Kitchen Kiddies 14 Years old and below Rapid Chess Championship kamakailan kontra Ritchie James Abellada.

Nakamit ni Biete ang anim na panalo at isang talo para makatabla si Jeremy Marticio sa National Chess Federation of the Philippines one-day sanctioned tournament nitong Hunyo 1.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Ang magkakampeon sa kiddies 14 years old and below ay magbubulsa ng P5,000 plus trophy, medal at Brand New Leap Digital chess clock, tatangap naman ang runner-up ng P3,000 plus medal habang ang third ay P2,000 plus medal.

Ang registration fee para sa Kiddies at Juniors ay tig P500 habang ang on-site registration ay P600.

Ang Chief Arbiter ay si FNA Alexander “Alex” Dinoy habang ang assistant ay sina national arbiters Alfredo Chay, Miel Bautista, Israel Landicho at Byron Villar ng Chess Arbiter Union of the Philippines.