SA ginanap na digicon nina Joshua Garcia at Janella Salvador para sa upcoming TV series na The Killer Bride na ginanap sa ELJ Building preview room nitong Huwebes, ay inamin ng aktor ang bawat magka-loveteam na nagkahiwalay ay dapat open pa ring makipag-trabaho sa ibang aktor at aktres.

“Dapat hindi natatapos ang dream n’yo. Open pa rin kayo to work with other actors, ‘yun po,” saad ni Joshua na halatang malungkot ang mga mata o dahil pagod dahil kararating lang galing ng San Francisco, USA, kung saan ginanap ang ASAP by the Bay nitong weekend.

Alam naman ng lahat na malabong magtambal sa ngayon sina Joshua at Julia Barreto dahil hiwalay na sila at ang huli nilang tambalan ay ang pelikulang Block Z mula sa Star Cinema na idinirek ni Mikhail Red.

Natanong ang aktor kung challenging ba na may bago siyang ka-loveteam sa The Killer Bride.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

JoshNella na ang pangalan ng loveteam ng dalawa.

“Yes, at first siyempre challenging kasi nag-a-adjust pa (kami) pareho, thankful ako sa unit (RCD Narratives) namin kasi hindi kami pinababayaan. Nagbigay sila ng workshop for us (kasama si Janella) para hindi na kami ma-challenge sa isa’t isa, hindi na kami ma-intimidate, hindi na kami mahirapang i-execute ‘yung mga eksena together and sa role ko as Elias,” kuwento ni Joshua.

Gaano kalapit ang karakter niyang Elias sa tunay niyang buhay?

“Very, very protective. Like si Janella ro’n sa soap (TKB), protective rin ako sa kanya. Kasi parang binu-bully siya ro’n at the same time, ayoko rin ng ginagawa niya kasi nagsisinungaling siya,” saad ng aktor.

Nabanggit pa na tulad ng role niya, very protective rin siya sa mga magulang at ayaw niya sa sinungaling at manloloko.

“Yes sa family ko and to myself,” sabi ni Joshua.

Samantala, nakangiting ikinuwento ni Joshua na tinanong daw sila ng direktor nila kung game sila sa kissing scenes ni Janella.

“Oo, yes, game kami. Game ka ba?” sabay tanong sa aktres.

“Game kami, pero ‘yung love scene, wala pa kami sa stage na gano’n, sa kissing scene muna,” pahayag ng aktor.

Sinegundahan naman din ng dalaga na kung kailangan sa istorya ay gagawin niya ito at panahon na rin naman para sa ganitong eksena.

Ilang araw na lang at mapapanood na ang The Killer Bride sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

-REGGEE BONOAN