Igigiit pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usapin sa Arbitral Ruling sa West Philippine Sea sa pakikipagpulong kay Chinese President Xi Jinping sa China, ngayong buwan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, gagawin ito ni Duterte, kahit hindi ito kikilalanin ng Chinese president.

Reaksyon ito ng Malacañang kasunod ng pahayag ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jinhua na hindi pa rin nagbabago ang paninindigan ng China na pag-aari nila ang bahagi ng pinag-aawayang South China Sea.

Nauna nang inihayag ni Zhao na duda ito kung ilalahad ng Pangulo ang nasabing Hague Ruling sa inaasahang

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

bilateral meeting nito kay Xi.

Kaagad naman itong kinontra ni Panelo na nagsabing wala namang masama kung hindi ito kikilalanin ng China.

"That's the position and right of China not to budge on their position, in the same way that it is our right not to budge in ours. Ganoon talaga 'yan eh. Pero that will not stop the President from raising the issue of the Arbitral Ruling. When friends meet, they can always discuss anything under the sun. And if friendship is present, then both parties will be open to any discussion. Pag-uusapan lang naman," lahad nito.

Nitong nakaraang linggo, muling inungkat ni Duterte ang pangakong tatalakayin nito sa China ang Hague Ruling bago pa matapos ang termino nito at sinabing panahon na upang pag-usapan ito ng dalawang bansa.

-Argyll Cyrus B. Geducos