ISA kami sa mga milyong viewers na tagasubaybay ng highest rating afternoon prime ng Dos na Kadenang Ginto. Nakakaaliw kasi ang kuwento ng nabanggit na soap opera kung kaya marami ang na-hook sa palabas.

Dimples at Beauty

Super sikat ngayon sa mga kabarangay naming taga-Tondo sina Beauty Gonzales at Dimples Romana at gustung-gustong nilang makita ng personal ang dalawa. Awang-awa rin ang mga kapitbahay namin kay Romina na ginampanan ni Beauty at galit na galit naman sa character ni Dimples.

Ipinaliwanag namin sa kanila na “magkaibigan” sina Beauty at Dimples sa totoong buhay. Kumbaga, ginagampanan lang nila ang mga papel nila kaya hindi dapat sila magalit sa huli.

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?

Pero totoo kaya ang nakarating na kuwento sa amin na lihim daw na magkaaway sina Beauty at Dimples? Ayon pa sa source namin na malapit sa isa sa dalawa, umiiral daw ngayon ang inggitan sa dalawang bida ng Kadenang Ginto.

Dagdag pa ng source, hindi raw matanggap ni Dimples na medyo naungusan siya ni Beauty dahil sa totoo lang naman daw ay may pangalan daw ang una kaysa huli. Kumbaga, mas kilala raw si Dimples kaysa isang Beauty Gonzales.

Kaya nga raw sa taping ng Kadenang Ginto ay may nagaganap na isnaban, lalo na during off cam. Sabi pa, madalas daw na nagmamaldita si Dimples sa kampo ni Daniela este Beauty.

Kung dati raw ay nag-uusap at nagtatawanan pa nga during breaks ang dalawa, ngayon daw ay wala na ang sweetness nila sa isa’t isa.

Dagdag pa, dapat daw ay sabay na magpapaunlak ng courtesy call sina Beauty at Dimpes sa opisina ni Sec. Berna Romulo-Puyat ng Department of Tourism (DoT) pero bigla na lang daw mag-isang pumunta ang huli at iniwanan ang una.

May mga staff daw na nag-react sa ginawa ni Dimples pero si Beauty ay hindi na lang kumibo. Katwiran pa raw ng aktres, kaya rin naman daw niyang bumisita nang mag-isa kay Sec. Berna o kaya naman ay kasama ang staff at ilang mga co-stars.

-JIMI ESCALA