NAIMBITAHAN ang Pinoy BMX rider na si Danny Caluag para sa Tokyo 2020 Test event sa Oktubre 1-5.

Sa liham ni UCI (International Cycling Federation) BMX director na si Max Mager sa Philcycling, hiningi nito ang kompirmasyon sa partisipasyon ni Caluag para sa nasabing test event.

CALUAG: Olympic hopeful.

CALUAG: Olympic hopeful.

"As of  June 11 2019,  the National Federation of the Philippines has qualified the following athlete. Allocation men (1) athlete, please fill and reply with the entry form," bahagi ng liham ni Mager.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Napili ang US-based rider na si Caluag buhat sa 64 atleta sa top 28 na bansa na magbibigay ng tsansa para sa kanya na makakuha ng puwesto para sa Olympics.

Si Caluag ang kauna-unahang Pinoy na nakapag-uwi ng gintong medalya buhat sa 2014 Asian Games. Nagwagi rin siya ng gintong medalya sa 2013 Southeast Asian Games (SEAG).

Kasalukuyang nagsasanay si Caluag sa Estados Unidos at nakatakda itong bumalik ng bansa sa Setyembre upang maghanda para na rin sa pagsabak niya sa 30th SEA Games sa Nobyembre.

Ang proseso ng Test event para sa 2020 Tokyo Olympics para sa BMX ay tatagal hanggang sa Mayo 2020, kung saan 24 riders lamang ang maaring makapasok para sa naturang event.