MAY isang tsansa pa si Hidilyn Diaz para maisakatuparan ang matagal nang hinahangad ng sambayanan – ang gintong medalya sa Olympics.
Kung kaya’t puspusan ang suporta ng Philippine Sports Commission (PSC), sa pagkakataong kaakibat anbg Phoenix Petroleum Services, Inc. na pinamumunuan ni Sports Consultant Dennis Uy para masigurong hindi mabibigo ang pride ng Zamboanga City.
Sa nilagdaang memorandum of agreement (MOA) na sinaksihan ni Senate Committee on Sports head Sen. Bong Go, ipinagkaloob ng Phoenix ang P2 milyon ‘sponsorship package’ kay Diaz para sa pagsasanay at paglahok nito sa qualifying event para sa 2020 Tkoyo Olympics.
Nasungkit ng 27-anyos na si Diaz ang silver medal sa women’s weightlifting sa 2016 Olympics sa Rio de Janeiro, Brazil.
Kumpiyansa si PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez na magagawa ni Diaz ang tagumpay na matagal nang hinihintay ng sambayanan.
"I am very happy. I saw a very classical example of partnership between a government and private sector. We saw the initiative of Senator Bong Go, Executive Secretary Salvador Medialdea and Mr. Dennis Uy, to support Hidilyn Diaz. This will inspire our Filipino athletes that if they perform well, private sector will come in to help,” pahayag ni Ramirez.
Kinatigan ito ni Uy.
"Kami naman ay laging sumusuporta sa atletang Pilipino in our quest for our 1st Olympic gold. Me, personally wants to support all our athletes capable of bringing 1st Olympic gold. I wish Hidilyn good luck in all her competitions all the way to the Olympics,"pahayag ni Uy.
Ikinalugod naman ni Diaz ang bagong kaganapan sa kanyang career.
"Masaya and grateful ako sa binigay nilang suporta,” aniya.
Ang P2 milyon na suporta ay hiwalay sa naprubahang P4.8 milyon ng PSC para sa kanyang pagsasanay at paglahok sa kompetisyon sa abroad. Kabilang din si Diaz sa mga atletang tumatanggfap ng P48,000 monthly allowance mula sa pamahalaan. Annie Abad