Patay ang isang tindera ng gulay matapos na mahagip at makaladkad ng tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Sampaloc, Maynila, nabatid ngayong araw.

VENDOR

Batay sa ulat ng Sampaloc Police Station (PS-4) ng Manila Police District (MPD), dakong 10:05 ng umaga ng Linggo nang madiskubre ang bangkay ng biktimang si Rochelle Aurelio, 44, vendor, at residente ng 3577 Buenos Aires Street, Sampaloc.

Naglalakad umano ang isang concerned citizen sa riles ng PNR sa Ramon Magsaysay Boulevard, sa Sampaloc, nang madiskubre ang bangkay ng biktima.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kaagad naman niyang ipinagbigay-alam ang insidente sa mga awtoridad upang maimbestigahan.

Lumilitaw na posibleng naglalakad sa lugar ang biktima nang mahagip at makaladkad ng isang northbound train, ngunit walang nakapansin sa pangyayari.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang insidente.

-Mary Ann Santiago