“PERFECT kissable lips,” ito ang sabi ni Marco Gumabao ng hingian ng komento tungkol sa kissing scene nila ni Anne Curtis sa pelikulang Just A Stranger na umabot na sa three million views ang trailer sa Youtube, na ilang araw palang naka-upload sa platform.

Anne Curtis at Marco Gumabao

Anne Curtis at Marco Gumabao

Hindi na bago ang kuwento ng Just A Stranger kung saan nagkagusto ang babaeng may-asawa sa isang younger guy, pero dahil parehong hot sina Marco at Anne ay interesado ang media na dumalo sa presscon ng pelikula na ginanap kamakailan.

Impromptu ang love scenes nina Marco at Anne dahil hindi na sila dumaan sa sensuality workshop na ibig sabihin ay hindi na kailangan ng dalawa.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ano ang m a s a s a b i n i An n e kay Marco tungkol sa mga sensitive scenes nila?

“I think he did extremely well in our scenes and definitely something to look forward. He was very careful. Feeling ko naiilang, kasi siyempre first time niya to do an intimate scene,” nakangiting sabi ng aktres.

Nakitaan naman ng pagkailang si Marco habang inilalarawan siya ni Anne.

“Actually, may pasabog si Marco na kailangan ninyong abangan,” sabi pa ni Anne.

Hirit naman ni Direk Jason Paul Laxamana, “at ‘yung pasabog-pasabog na ‘yun, hindi sa akin, kay Marco galing.”

Dagdag ni Anne, “siya (Marco) ang nag-isip. Nagulat kami sa suggestion niya!”

“It was like na, okay sige ikaw bahala,” dagdag pa ni direk JP.

Paliwanag pa ng direktor, okay lang sa kanya ang mga artistang nagbibigay ng suhestiyon basta sa ikagaganda ng pelikula.

Dahil first timer si Marco sa ganoong eksena ay naramdaman iyon ni Anne, “well, I would say I could felt that he was awkward and being very careful kahit kunwari medyo nagpapa-cool siya but I can feel how awkward he was. It was very helpful that we had Direk (JP) to guide us and to feel (Marco) comfortable hanggang sa naging okay naman na siya.”

Bago gawin ng aktres ang pelikula ay ipinabasa muna niya sa asawang si Erwan Heussaff ang script at umokey naman kaagad ang mister. Isa pa, hindi naman hiningi ni Anne ang permiso ni Erwan dahil alam ng huli ang trabaho ng misis niya.

Ang J u s t A Stranger a y mapapanood sa buong bansa Agosto 21, produced ng Viva Films na idinirek ni Jason Paul Laxamana.

-Reggee Bonoan