TALK of the town ang trailer ng Belle Douleur movie nina Mylene Dizon at Kit Thompson na ipinalabas na kagabi sa 2019 Cinemalaya Film Festival na entry ng Quantum Films at idinirek din ng producer nitong si Atty. Joji Villanueva Alonso.

Mylene Dizon at Kit Thomps

Mylene Dizon at Kit Thompson

Binigyan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng R-16 ang Belle Douleur dahil sa sensitive scenes pero sobrang nagandahan ang mga miyembrong nakapanood dahil napakaganda ng pagkakadirek ni Atty. Joji.

Sa solong panayam namin kay Kit ay tinanong namin kung hindi siya naasiwa nu’ng ibang tao ang nagtakip ng private part niya. Hubo’t hubad kasi siya sa buong eksena nila ni Mylene.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

“Siyempre po naiilang, pero nu’ng mga sumunod na pong scenes, ako na lang po ang naglagay ng plaster. At masakit po ‘pag tinanggal. Beautiful pain,” natatawang sabi ng aktor.

May non-showbiz girlfriend si Kit kaya tinanong namin kung nagselos ito o hindi.

“Ahh, hindi naman, of course she tries to be supportive sa career and siyempre hindi naman maiiwasan ‘yung konting selos pero kailangan ko ring intindihin ‘yung side niya na first time niyang magkaroon ng boyfriend na (showbiz),” sambit ng aktor.

Wala namang violent reaction daw na naganap pero may mga parinig ang girlfriend niya.

“Nag-usap kami kung okay sa kanya ang mga ginagawa ko at sabi nya okay naman daw, sadyang masyado lang siyang nagte-tease,” nangingiting sabi ni Kit.

Sa teleseryeng Sino ang Maysala: Mea Culpa ay may matinding eksena rin sila ni Ivana Ilawi sa simula ng kuwento kaya tinanong namin ang binata kung kanino nagselos ang GF niya, sa leading lady niya sa serye o kay Mylene?

“Wala naman,” natatawang sagot ng aktor. “Actually sa lahat naman nagselos pero feeling ko hindi naman selos, inaasar lang ako,” sabi ng aktor.

Guwapo, matangkad, bata at matalino si Kit kaya hindi maiwasang maraming babae ang magkagusto sa kanya. Hindi ba siya natutukso sa kanila considering na may girlfriend siya?

“Oo, loyal ako. Eversince naman ganu’n ako. Saka mga naging girlfriend ko naman tumatagal saka hindi ko naman gigilprenin kung hindi ako seryoso,” katwiran ng binata.

For the record, hindi pa nabalitang nangaliwa si Kit. Sa edad niyang 22 ay aminado itong seryoso siya sa babae at hindi nagawang manloko.

Anyways, ang karakter niyang Josh sa Belle Douleur ay nagkagusto sa older woman at hindi naman daw bago sa kanya ang ganitong role dahil ang gusto ng aktor na makarelasyon ay mas may edad sa kanya.

Wala pa sa bokabularyo ni Kit ang magpakasal dahil marami pa siyang gustong marating sa career niya pero naniniwala siya sa kasal.

“Oo naman I believe in it, but not in the next five years, I don’t know, siguro mga 30 na ako, ready to settle down na,” seryosong sabi ng binata.

Going back sa pelikula ay itong Belle Douleur ang unang beses na mag-hubo’t hubad si Kit dahil kailangan sa istorya at sa tingin niya ay nakatulong ito nang malaki dahil sobrang in love siya sa babaeng si Liz (Mylene).

“May mga offer na gustong magpakita pa ako pero ayaw ko, kasi ayaw kong masabi na, ‘ah si (Kit), kunin natin kasi nagpapakita ng puwit,” anang aktor.

At dahil private part lang niya ang may takip, tinanong namin kung hindi ba siya na-turn on kay Mylene lalo’t wild sex ang ginawa nila sa pelikula.

“Siyempre mayroon, pero pinipigilan ko, hindi naman maiiwasan,” sabay tawa.

Pinuri naman ni Mylene ang kapareha at bilang lover ay binigyan niya ng rating na nine si Kit dahil ang perfect 10 ay para sa boyfriend niyang si Jason Webb.

-REGGEE BONOAN