OPEN pa rin ang Instagram (IG) ni Gerald Anderson, pero hindi siya nagpo-post at ang huli niyang post ay noon pang July 21. Pero siguradong nababasa niya ang pamba-bash at pagtatanggol ng haters at fans sa kanya sa comment section ng bawat posts niya sa naturang social media platform.
Sa IG account ng kanyang followers nagpo-post si Gerald at hindi madaling mapasok ang IG accounts na ‘yon dahil nasa private setting.
Sa IG story ng kanyang follower, nag-post si Gerald ng quotation card na, “There’s always two sides to every story. If you are unwilling to hear the other side and only draw your conclusion from a half told story, then you’re choosing to be a manipulated fool.”
Sabi ng nakabasa sa post, kung walang katotohanan ang mga naglalabasang balita sa kanila ni Julia Barretto, it’s time for him na magsalita na at sabihin kung ano ang totoo. Hangga’t walang nagsasalita sa kanila ni Julia, hindi matitigil ang usaping ito.
Dahil dito, naniniwala ang netizens na nagpapalusot lang siya nadidiin si Julia sa kontrobersya. Sinabihan pa ng mga ito ang aktor na harapin at kausapin si Bea Alonzo. Hangga’t hindi niya ito ginagawa, hindi talaga maririnig ang side niya.
-NITZ MIRALLES