BILANG isa sa mga hurado ng The Voice, isang singing contest competition, nagbigay din ng kanyang opinyon ang Pinay Broadway superstar sa pagkakapanalo ng kauna-unahang Idol Philippines winner na si Zephanie Dimaranan nitong July 29 sa Resorts World.

Lea

Pahayag ng The Voice coach:

“I’m very happy for Zeph. We first met Zeph on ‘The Voice Kids’ and her ending on the show was really dramatic and painful, but she did fine. She’s really grown up beautiful and her voice is still really clean and crystal clear. She has a very bright future.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Si Zephanie ay naging protégé ng coach na si Sarah Geronimo sa The Voice Kids noong 2015.

Si Elha Nympha, na protégé ni Bamboo, ang itinanghal ng grand winner ng naturang edisyon.

Sa kanyang pagharap sa media kaugnay ng kanyang Lea Salonga Perfect Ten concert na gaganapin sa Newport Performing Arts Theatre sa August 30 at 31, naitanong kay Lea ang maling pagpapakilala sa kanya noong mag-guest siya sa isang news program sa United Kingdom ilang linggo na ang nakalilipas. Naroroon siya para i-promote ang kanyang concert tour sa United Kingdom.

Sa July 5, 2019 episode ng Sunrise, isang morning news program ng Sky News sa United Kingdom, ipinakilala si Lea bilang si Anna Hughes, isang environmentalist. Halatang natigilan si Lea at ‘tila nagkaroon ng kalituhan sa pagitan ni Lea at ng news anchor na si Stephen Dixon.

Paglilinaw ni Lea sa host, “I am not Anna Hughes, I’m sorry. I don’t know what’s going on. I am not Anna Hughes, sorry about that.”

Sa nasabing panayam, hindi naiwasan ni Lea na matawa nang matanong at alalahanin ang nangyaring blooper.

“My thinking is, well, if it’s going viral, then hopefully that means people would be interested in my tour, so it was a blessing,” aniya.

Hindi naman daw siya na-offend, “no, not at all. You can’t take offense at things like that. There are things to be offended by. That’s not one of them. And it could happen to anybody, so it’s okay, it’s fin,” lahad ni Lea.

May payo ang The Voice Kids hurado sa mga host ng show para hindi na maulit ang ganitong pangyayari.

“Make sure you know who your guests are!” natatawang sagot ni Lea.

-ADOR V. SALUTA