HABANG napapanood si Judy Ann Santos sa primetime seryeng Ang Probinsyano ni Coco Martin, masaya ring inanunsyo ng aktres sa nakaraang ABS-CBN’s Trade Event ang kanyang comeback project sa ABS-CBN, ang Starla. Bagamat wala pang saktong petsa kung kailan ito mapapanood, Judy Ann assures na bago matapos ang taon, mapapanood na ang seryeng aniya’y para sa mga bata.

“Basically it’s about wishes, and ‘yong personal battle ng character ko how to forgive a town, how to forgive myself. It’s about trust, honesty,” pahayag ni Judy Ann.

Taong 2013 nang huling napanood si Judy Ann sa teleseryeng Huwag Ka Lang Mawawala. Naging host din siya sa TV game show na Bet on Your Baby na natapos noong 2017.

Isa sa mga ikina-e-excite rin ni Juday ay ang temang bukas ito para sa mga batang manonood. Ayon sa kanya, siguradong ipapapanood niya ito sa kanyang mga anak.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Ngayon lang ulit ako gagawa ng serye na pambata, kaya excited na akong mapanood ito ng mga anak namin. Kasi for the longest time, we don’t allow them to watch our teleseryes, so at least ito pwede silang manood, at the same time it’s about time na magkaroon tayo ng teleserye na heart warming, would focus on the values of the children, and the values that we have as adults. And something refreshing,” sey ng aktres.

Sey pa ni Judy Ann, may pagkakontrabida ang kanyang karakter sa Starla. “Ito ‘yong first teleserye na halos kontrabida ako. In-enjoy ko lang ‘yong proseso, kasi ngayon lang ako gumawa ng ganitong klaseng role and para maiba naman.”

-Ador V. Saluta