Bambol: Hands-on president ng POC

MAIGSI lamang ang oras at walang planong sayangin ni Tagaytay Rep. Bambol Tolentino ang sandali para maibalik ang respeto sa Philippine Olympic Committee (POC) at maisaayos ang lahat para sa magaan na pamumuno ng mga susunod na lider.

BAMBOL: Ayusin natin ang gusot sa NSAs.

BAMBOL: Ayusin natin ang gusot sa NSAs.

Matapos ideklarang bagong pangulo ng Olympic body, kaagad na nagpatawag ng ‘extraordinary’ executive board meeting ang pangulo ng cycling federation sa Biyernes (Agosto 2) sa POC Office sa Philsports sa Pasig City.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Nakasentro ang pulong sa pagtatalaga ng mga bagong opisyal sa POC tulad ng secretary general, deputy secretary general, committee chairmanship at Chief of Mission para sa 2020 Tokyo Olympics.

Inaasahang rerepasuhin din ang paghahanda sa hosting ng 2019 Southeast Asian Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

“My term is very short, but I will be a hands on president, so ang focus lang talaga natin are the SEA Games, the ASEAN Para Games and the Tokyo Olympics,” pahayag ni Tolentino sa kanyang pagbisita kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Amelie Hotel Manila.

Iginiit ni Tolentino na prioridad niya ang kalagayan ng mga atleta, ngunit inamin niyang hindi niya isinasantabi ang pakikipag-usap sa lahat ng mga opisyal upang mapataas ang antas ng ugnayan ang mapanatili ang “harmonious working group.”

“Hopefully this will be a good start for the POC, kasi kapag hindi tayo united, mahirap,” sambit ni Tolentino.

Matapos ang SEAG, sinabi ni Tolentino na pagtutunan niya ng pansin na maresolba ang gusot sa liderato ng ilang National Sports Association (NSAs) na nalagay sa karambola sa panahon ng dating POC chief na si Jose ‘Peping’ Cojuangco.

“That’s one of my priorities,” pahayag ni Tolentino.

Sa kasalukuyan, pitong sports – volleyball, karate, bowling, wrestling, swimming, dragon boat at table tennis – ang wala pang kongretong resolusyon bunsod nang kabiguan ng POC na iresolba ang isyu sa General Assembly.

Target ni Tolentino na makamit ng bansa ang overall championship sa SEA Games at umaasa siya sa mga multi-events sports na makapagbigay ng kailangang medalya.

‘I’m hoping they will deliver for us,” aniya.

-KRISTEL SATUMBAGA