“TO my understanding, we did not break up. He just started not talking to me,” ito ang diretsong sagot ni Bea Alonzo nang tanungin tungkol kay Gerald Anderson.

IMG_9079

‘Are you okay?,’ ito ang sunod na tanong sa aktres.

“I’m looking forward, but siyempre hindi naman ako puwedeng hindi magpaka-ipokrita. Saka sinasabi ko ito sa lahat, nakakahiya. I’m really sorry,” ito ang naging pahayag ni Bea sa ginanap na storycon ng bagong teleserye niya sa ABS-CBN.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Nabanggit pa niyang, “I feel like I’m a strong woman.  Feeling ko pinalaki ako ng ABS-CBN na professional and I always have to show up regardless of whatever happening in my life.”

Timing kasi na ngayong araw ginanap ang storycon ng bagong serye at alam naman ng lahat na mending a broken heart ngayon si Bea dahil sa pag-amin ni Gerald na hiwalay na sila kaya nanliligaw na siya kay Julia Barretto.

Sina Angelica Panganiban, Richard Gutierrez, Jameson Blake, Roxanne Barcelo, Christian Bables ang present sa storycon ng serye handog ng Star Creatives mula sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar.

Saan kumukuha ng lakas si Bea?

“Malaking bagay na nandiyan ang mga kaibigan ko.  malaking bagay na maraming nagki-care para sa akin.  Actually nagugulat nga ako maraming nagpapadala ng bulaklak, maraming nagte-text.  Malaking bagay iyon sa akin.”

Reggee Bonoan