INAASAHAN ang muling pag-suporta ng lahat ng Senador sa inihaing resolusyon ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go na bumabati at kumikilala kay Senator Emmanuel “Manny” Pacquiao ng talunin nito si World Boxing Association (WBA) Super Welterweight Champion Keith Thurman nitong Linggo sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada, United States.

“Muli mo na namang naipakita sa buong mundo ang galing ng Pinoy sa larangan ng sports. Maraming salamat sa patuloy na pagbibigay mo ng karangalan sa bansa. Mabuhay ka, Pambansang Kamao!” nakasaad sa Senate Resolution No 20 ni Go.

Aniya, wala pa sa kasaysayan ng boksing ang ginawa ni Pacquiao at aabutin ito ng ilang taon bago mabura o malampasan. Umaabtt na sa 12-World Titles mula sa ibat-ibang timbang ang nasungkit ni Pacquiao.

-Leonel Abasola

Ilang volleyball stars pina-auction jersey; tulong sa player na may liver cancer