NABABAHALA ang ilang online followers ni Bea Alonzo dahil sa kanyang latest Instagram Story. Sa unang two quotes ng aktres, aniya, “Something I learned about people… If they do it once, they’ll do it again” at “God never wastes a hurt.”

Bea at Gerald

Pagkatapos nito, Bea posted a black photo on her Instagram feed and captioned it with, “You can’t make the same mistake twice, the second time you make it, it’s not a mistake anymore, it’s a choice. ENOUGH.”

Kaya nagkaisa ang online followers ng aktres na patungkol ang mga post sa boyfriend niyang si Gerald Anderson. Dahil din sa makahulugan nitong posts, most of her supporters gave her words of comfort and encouragement through the comments section.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Huling namataan si Gerald sa birthday celebration ng kaibigang si Rayver Cruz nito lang nakaraang linggo. Kapansin-pansing hindi kasama ni Gerald sa nasabing party ang girlfriend na si Bea.

Ang ilang celebrities na namataan sa nasabing party ay sina Enchong Dee, Rodjun Cruz, Diane Medina, Janine Gutierrez, Dani Barretto, at Julia Barretto. Si Julia ay naging lady ni Gerald sa Between Maybes nito lang nakaraang buwan.

Naging usap-usapan din ang hiwalayan nina Julia at ex nitong si Joshua Garcia makaraang magtambal sina Julia at Gerald sa Between Maybes.

Kung totoo nga ang tsismis na nanliligaw si Gerald kay Julia after their film together ay isang malaking palaisipan ito sa kanilang followers na nagdududa kung dito ba nanggagaling ang mga makahulugang post ni Bea.

-ADOR V. SALUTA