HINDI kataka-takang mataas ang TV ratings ng Kapuso seryeng Sahaya nina Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Snooky Serna, Migo Adecer, at iba pa, dahil lagi itong naghahatid ng positive values sa madlang pipol.

Bianca

Maganda rin ang pagpo-promote ng Sahaya sa kultura ng mga Badjao, in pernes.

And take note, sa takbo ng istorya ngayon ay palaban na si Bianca, bilang si Sahaya, sa true lang, lalo na sa karakter ni Snooky. Yessss, if we may repeat, palaban at hindi na papaapi ang karakter ni Bianca sa well-loved GMA epic drama series.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Marami nga ang natutuwa na hindi na pumapayag si Sahaya na maliitin ang kanyang pagkatao, at sa isang episode ay nakipagsabayan na siya ng sabunutan kay Salida (Snooky) sa isang episode.

Nagbunyi ang netizens sa pagiging palaban ni Sahaya. Komento pa nga ng Twitter user na si @yannebeb07: “ N a k a k a - h i g h blood naman ‘yong sabunutan nina Sahaya at Salida, ang tagal! Pero mabuti na lang at lumalaban na si Sahaya!”

Kaya lalong pakatutukan ang mga kapana-panabik na eksena sa Sahaya, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 24 Oras, sa GMA Telebabad.

-Mercy Lejarde